Carly Rae Jepsen: Kiss Tour Concert in Manila.
While me and my sister were on our way to school, I got a random text message from Camille asking me for CRJ’s concert that day. So obviously, I’m not prepared. Wearing my favorite red abercrombie shirt forevs! :D
Kahit nagdadalawang isip, pumayag ako.. Pero sabi ko susunod nalang ako kasi puro quizes kami that day at 8pm pa nman ang start nung concert. So, nag-quiz kami sa Communication Arts then sa College Algebra. Hindi na ko umattend ng Management. 3:30pm, umalis na ko ng room at pinuntahan si ate sa room nya para magpaalam. Edi sumakay nako ng jeep tapos baba sa may high way. Punta ko ngayon sa tapat ng 7-11 para hintayin si MaryJoyce. Nang maya-maya ay nag text si Camille na hindi daw makakasama sa amin si MJ dahil tatlong tickets lang daw ang binigay ng Globe blah blah blah. At ako, syempre, medyo nalungkot para kay MJ at dahil narin sa hindi namin sya makakasama. Hanggang sa dumating na sya at naiintindihan nman daw nya. Parang ayoko na nga rin sana tumuloy dahil hindi nga sya makakasama. Mabuti nlang at may lakad din sya nung araw na ‘yon. I’m relieved. Nagkanda hili-hilo pa ko sa mga instructions nila Mayanne at Camille tungkol sa mga sasakyan. :D Tapos traffic pa everywhere. Ambagal talaga ng usad.. Hanggang sa naiinis na sakin si Camille kasi 7pm na. Tapos nagstart na sya mag text ng: “Tumakbo ka na gurl, go!” Hahaha! Kapag kaibigan talaga iba ang bonding e. :”))) Tapos lahat na yata ng makita kong tao pinasasalamatan ko kasi pinagtatanungan ko sila. Wahahaha! Edi pasok ako sa mall, kapkap ng bag. Nagtanong nanaman ako kung saan naman yung daan. Overpass nga daw.. Edi akyat ako. At dahil natataranta nako, tuloy-tuloy ang lola mo. Mabuti nalang at nag text agad si Mayanne na “Gurl, wag mo deretsuhin yung daan sa may overpass, kumanan ka.” Edi balik ako. Oh, yes! Nasa Araneta Coliseum na ko. Habang pababa ako ng hagdan nagme-make face na yung dalawa. :D Edi pasok na kami sa coliseum.. Kumuha ng freebies ng Candie’s at kinilig din sa mga poging naga-assist. Ang gaganda rin nung mga babae. Edi akyat na kami at pumasok sa loob. Umupo at nag picture-an! Tapos kinwento nila yung mga kilig much moments nila sa chenes(crush) nila ‘cause it’s been a while since our last meeting. Kinikilig nanaman yung dalawa. Hahahaha! Nagutom ako maya-maya at nagyayang samahan ako na bumili. Sa katamaran ng dalawa, I ended up buying one piece pizza ng naglalakong pizza hut boy. Kain. Isang minuto lang yung 70 pesos ko. Huhubels. -_____- Ang babait kasi ng best friends ko e. Hehe. Nung naubos ko na, tsaka lang nakonsensya at nanghinayang si Camille na dapat daw pala sinamahan nya nalang daw talaga ko lumabas. Unang nag perform si Markki Stroem ng Pilipinas Got Talent; ganda ng boses, nakaka-inlove. Hahaha! Tapos kami ni Mayanne, todo tili lalo na kapag tumitingin sa side namin. XD Di daw kasi kilala ni Camille kaya kaming dalawa lang ni Mayanne yung kinilig. Hanggang sa magstart na yung concert. Si Camille nakapag handa at ayun nga, saulo yung ibang songs. Kami ni Mayanne puro “yeah” at tili lang. Wahahahahahaha! :D Huling kinanta ni CRJ ang “Call me maybe” na katangi-tanging kanta nya na saulo namin ni Mayanne. XD Sorry, we’re not avid fans. At hindi rin talaga kami nakapag prepare. :) At natapos na nga ang concert. Pagbaba namin ng first floor, as usual in every concert, picture ulit sa mga banner. Then unexpectedly, we saw actresses Ella Cruz and Jane Oineza na malamang ay nanuod din ng concert. Yun nga lang, kay Ella lang kami nakapag pa-picture. Tapos ayun na nga at umuwi na kami. :)
That day was full of different feelings for me. Nagdalawang isip kung pupunta ba ko, kinabahan nung bumiyahe, napagod sa pagtakbo at baka ma-late, excited bago magsimula yung concert, nanghinayang sa 70 pesos na one piece pizza, kinilig at tumili, masaya lalo na’t kasama ko ang mga na-miss kong best friends, at nalungkot sa pag-uwi dahil pinagalitan ako. :( Pero syempre, happy parin talaga.
August 7, 2013
Lee Min Ho 2013 World Tour: My Everything Concert in Manila.
Night before the concert, nag chat kami ni Camille. Pero kinabukasan yung usapan tungkol sa suot at oras nag-iba na. Tapos ang shunga ko lang. Tumunog na pala yung alarm, tulog mantika pa ko. Kung di pa ko tinawagan ni Camille, di pa ko magigising. So ayun.. Nagkita kami sa 7-11 sa may high-way San Pedro. Sakay kami ng bus tapos chikahan at kinilig. Excited na may halong lungkot. Kasi General Admission lang ag ticket namin. Nang makarating na kami sa Mall Of Asia, deretso cr muna, as usual. :D Tapos nung nasa salamin na kami at nagpicture-picture may pumasok na tatlong babae. May dalang Lee Min Ho banner yung isa. Siniko ko si Camille sabay sabi, “Giiiiirl, mukang aattend to ng concert.” *giggles*. Paglabas namin ng comfort room, naglibot libot muna kami sa MOA(SM Mall Of Asia). Una naming pinuntahan ang Forever21. Eto na yung mga moment na tumutunog yung sensor kada dadaan kami. Edi kami, parang nahihiya. Pero syempre di naman kami magnanakaw. Yung bag ni Camille ang may kasalanan kung bakit tumunog yung sensor sabi ni manong guard. lol Tapos punta ng Chowking para bumili ng lunch. Punta rin kami ng KFC para naman sa pang dinner namin. Halatang masisiba e. Hahahaha! Syempre take-out. Malaman-laman lang namin na bawal pagkain sa loob ng arena(looking at the rules and regulations.) Asar. Edi hanap kami pwestong dalawa.. Lakas ng trip namin, umupo kami sa may hagdan dun sa tapat ng Arena. Tawanan lang kami ni camille. Normal naman na samin yun, ang mag tawanan at gumawa ng kalokohan at kabaliwan. Gora parin kami kahit nakakahiya kasi may mga dumadaan na sasakyan. At dito naman na lumabas ang pagiging car enthusiastic namin ni camille. Kada kasi may nakikita kaming mga sasakyan ex. sports car, e tuwang tuwa kami at sabay kaming nangangarap na magkaroon ng mga ganong tipo ng kotse. *May dumaan na black hammer car* Camille: “Uy, hammer.” Paglingon ko: “Ay oo nga. Black land rover naman kotse ni yonghwa..” Tapos subo ulit. Camille: “Ay girl, di tayo kumuha ng toyo(para sa siomai.)” Ako: “E malay ko bang wala. Di mo naman sinabi e.” Maya-maya pa dumating yung tatlong babae na nakita namin sa cr. Ni hindi pa namin alam mga pangalan ng isa’t-isa pero *boom* close agad! Hahahaha! Ang iingay namin sa gate ng arena tapos kanya-kanyang kwento tungkol kay Lee Min Ho at iba pang k-pop idols and events. Minsan, di ako maka relate. Hindi naman kasi ako maysadong in sa Kpop, may iba lang akong iniidulo. Spazz dito, spazz duon. Ako syempre, naghe-headbang nanaman. Wahahaha! XD Hanggang sa puntong ubos na yung pagkain namin ni camille tsaka namin nakita yung toyo. -___- Tapos may dumating nanaman isang babae, minoz din. And ayun nga, tuloy parin sa pagratsada yung mga bunganga namin. Maya-maya pa, nalaman naming mali pala yung pinipilahan namin. Hahahahaha! Akala namin kami yung unang nakapila. Sa kabila naman pala yung entrance line. Haha. Edi punta kami dun. Marami-rami narin pala ang naka pila. Edi ayun na. Kwentuhan dito tawa doon. Kami ang pinaka maingay sa mga nakapila.. Nung mga bandang 6pm na, may dumating na mga reporter tapos in-interview yung isang kasama naming minoz na Camille din ang pangalan. Todo wagayway sya sa banner na pinagpuyatan nya raw, sinusulit na nya dahil bawal nga sa loob ng Arena. Tinanong sya bakit daw idol nya si LMH.. “Adam’s apple palang, ulam na! Woooo!” ito naman ang sagot nya. Laugh trip kami buong araw dahil sa kakulitan nya. Buti nalang at may ubo’t sipon ako nung araw na yun, idagdag pa na paos talaga ko bago pa ang concert dahil kung hindi, baka mas maging maligalig din ako. HAHA! Mga 8:10 pm pinapasok na kami sa loob ng MOA Arena buiding tapos todo takbo kami, tipong parang male-late na sa kanya-kanyang appointments. Sakay kami ng escalator tapos temple run na pagdating sa 4th floor paakyat sa 5th flr. At nagtawanan nanaman ng walang humpay sa pila. Maya-maya pinapasok na talaga sa mismong arena at nagsiupuan. At syempre ANLAYO namin. Tilian agad nung namatay na yung mga ilaw. Nagsimula na yung concert. Enjoy. Tili. Kilig. Sa english lyrics lang ako nakakasabay.. Masaya lang kami ni camille, hindi SOBRANG SAYA. Ang layo kasi namin kaya di namin masyadong feel. Lalo na nung natapos na yung concert parang YUN NA YUN? Alam mo yung feeling na ramdam na ramdam mong mas matagal pa yung ipinila nyo kesa sa 2hours na concert na parang minutes lang samin. -____- Saklap. NAKAKABITIN. “Ayoko na talaga sa Gen Ad”, sabi ko. Edi babaan na. Tapos paglabas namin ng Arena, papicture muna sa mga banner. Nung lumabas na kami sa mismong building, bumili kami ng official shirt ng LMH concert. Tapos napansin namin na maraming nagaabang na fans sa gate na lalabasan raw ni LMH. Edi kami pumunta rin.. At lumabas na nga ang kotseng sinasakyan nya.. Hindi naman namin makita. Ang ginawa ko, hinila ko si Camille at tumakbo papunta sa kantong lilikuan nung kotse. Nakita namin sya ng malapitan kahit sandali lang. Tapos umuwi na kami.
It was the very first concert I’ve attended. And it was blissfully memorable for me lalo na’t kasama ko ang isa sa mga matatalik kong kaibigang si Camille. :)
July 6, 2013


