Omg! Omg! —Wala lang, nag ‘omg’ lang ako para intense. Hahahahaha! 101 palang na ang blog entries ko. 24 followers and the rest di ko na babanggitin, kita naman sa pic eh. Hahaha. So ayun, halata namang baguhan lang ako pagdating sa pagb-blog. Pero di naman na ako bago sa tumblr. :)

Dati na rin akong nagka-tumblr. December 2009 nang gawin ko ang kauna-unahan kong account. Pangatlong account ko na nga ito eh. Ngayon lang kasi ako nagseryosong mag-blog. Ewan ko ba. Bakit nga ba ngayon lang? Dati kasi puro lang ako reblog at tamang post lang ng pictures at kung anu-anong sa paningin ko ay kaaya-aya. Nakakaboring din. Alam mo yung wala kang nafu-fulfill sa sarili mo? Gusto ko na ngayon magaya sa mga bloggers dito na '888’ na daw yung followers tapos umabot na sa ganito ganyan at pataas na ng pataas.. Sa mga bloggers dito na marami nang kakilala at kaibigan.. At higit sa lahat, gusto ko na rin maipakita kung anu-ano nga ba ang kaya kong gawin at gusto kong gawin. Gusto kong maging isang magandang impluwensya at halimbawa sa iba. At gagawin ko lahat ng yun in my own way. Kaya ayun, now, I aim to be a better blogger; a better tumblr-ista. :)))