Kinder pa lang ako, crush ko na sya. Ang cute nya kasi. Hahaha! Una ko syang napansin nung nakaupo sya sa elevated na simento sa tabi ng tindahang nasa bandang kaliwa ng tapat ng bahay namin. Kung di mo gets, bahala ka sa buhay mo. Nakakunot pa ang noo nya nung oras na yun. Crush at first sight ang effect nun sakin teh. Alam mo yung feeling na five seconds kang nakatingin sa kanya hanggang sa matauhan ka? Di ko malilimutan yun. Haha.Hanggang sa na-introduced kami sa isa’t-isa ng mga kalaro ko. Dun pa lang, alam kong di ko na sya makakasundo nun. Lumaki kaming laging nag-aasaran. Laging pikunan. Never kaming naging magkakampi sa anu mang laro. Patintero man yan o bente uno, dahil asar talaga kami sa isa’t-isa. Lumaki kaming ganun. Di mapagkasundo. Hanggang sa umabot sa time na medyo nagkakasundo na kami. Kumbaga, may asaran parin pero nandun yung may napaguusapan na kayong matino. Grade six na yata ako nun. Tapos nalaman nyang crush ko sya, at dun na kami naging awkward. Dun pa sya dadaan sa kabilang street non para lang hindi madaanan yung bahay namin. May naririnig akong crush nya rin daw ako pero hindi ako naniniwala dahil nga sa iniiwasan nya ako. Tapos nung first year hs, naging okay na ulit kami. Halos walang nangyari. At dun na dumating yung point na umin sya sa pinsan kong may crush sya sa akin. Pero nung time na yun, feeling ko, di na ganun ka-strong yung nararamdaman kong paghanga sa kanya. Meron parin naman, pero parang may kulang. Nanligaw sya sa akin. Sa text, ang daldal nya. Pero pag sa personal, di ko makausap. Ang tahimik. Nahihiya daw sya. Hehe. Hanggang sa sinagot ko sya. S.O kami. Secret relationship. Yung pinsan ko lang at yung boyfriend nya ang may alam. Unti-unting bumalik yung kilig sakin nung naging kami. Hindi naman kami clingy sa isa’t-isa pero nandun yung spark at kilig sa bawat sulyap at ngiti. Bilang na bilang ko yung physical contacts namin. Dalawang holding hands at isang yakap. Okay na para sabihing nagkaroon nga ng ‘kami’. Haha. At oo, walang kiss. Hanggang ngayon naman wala pa kong first kiss eh. :3 Lande! Hahahaha. Pero sandali lang pala yun. Two months lang ang itinagal namin. Nagkasalisi kasi kami sa usapan naming akala ko, hindi sya sumulpot. So ayun, walang official break-up. Dalawang araw lang ako nag-isipisip nun. Nagtatanong lang ng mga bagay-bagay sa sarili ko. Pagtapos nun, wala na. Okay na ko. Hindi nga yata ako umiyak eh. Ewan ko ba. Sigurado akong nanghinayang din talaga ako nun. Pero siguro naisip kong bata palang rin naman kami. At siguro dahil din sa maayos naman ang naging turingan namin.
Hindi na kami nabigyan ng oras na makapag-usap. Hinihingi nya ulit sa pinsan ko yung cp number ko nung nakaraan pero ayokong ibigay dahi may gf na sya nun. Nandun na yun masasayangan ka sa pagkakaibigan sana na meron kayo. Ayos naman na rin kasi talaga kaya gusto kong hayaan nalang. Tsaka feeling ko rin kasi, mas okay na yung acquaintance na lang ang turingan namin. Ngayon, maayos naman ang pakikitungo namin sa isa’t-isa. Batian at taasan ng kilay kada magkakasalubong.. Minsan nga nagbibiro pa sya eh. Ang mahalaga, ay yung mga masasayang memoryang naiwan sa pagitan namin. Nakakatuwa lang isipin na wala akong hinanakit sa first puppy love ko. At alam kong sya rin. Sana.
Hanggang ngayon ay wala akong balak mag bf muna.. I-eenjoy ko muna ang buhay teenager. Isa pa, okay na muna akong kinikilig sa mga crush ko. Hahahaha! Pero malay ko ba, di natin masasabi. Iba mag-laro ang tadhana at unpredictable ang puso. Pagmamahal nga naman. :)