My Easter Sunday type of day: Part 3

Sa gabi pala talaga buhay ang Isdaan floating restaurant..

May mga performers na nagtanghal sa stage gaya ng mga higanteng sumayaw(mga taong nakatungtong sa mataas na kahoy na nagsisilbing paa; di ko alam tawag sa kanila eh), mga acrobats at gymnasts, yung “strong king” daw ng Pilipinas na nagpamalas ng lakas nya, atbp.

May souvenir at pasalubong shops din dito kung nais nyong mag-uwi. Mayroon silang mga mani, sweetened pili, at iba pang uri ng pasalubong.

Nakakatawa ang mascot na ito dahil pagkatapos naming magpakuha ng litrato sa kanya ay dali-dali syang nagpara at tumawid para sumakay ng tricycle. Hehehehe. Akala namin sa isdaan talaga sya nagtatrabaho. Yun pala'y sa tip lang sya kumikita..