1.) Sarili mo ang tingnan mo, wag ang iba.

Kadalasan kasi kaya napupunta ang atensyon natin sa isang tao ay dahil sa naiinggit tayo dahil sa kagustuhang maging katulad nya. Totoo naman eh, wag na tumanggi. Tanggapin mo at magsimula kang mahalin ang sarili mo. Tingnan mo kung ano ang mayroon ka, hindi kung ano ang wala ka o kung ano ang meron ang iba na wala sa iyo. Obserbahan mo ang sarili mo. Kung sa tingin mo ay may kulang sayo, paunlarin mo yung bagay na meron ka. Kumbaga, i-enchance mo yung mga assets mo at yung good traits mo. Mag-ayos ka kung gusto mo. Walang masama sa kagustuhang mas maging maganda sa paningin ng iba at sa pagiging mas maayos na tao. Walang masama na ayusin mo ang sarili mo kung yun naman ang magiging dahilan para magkaroon ka ng kumpyansa sa sarili mo. Magtiwala ka lang sa taong nakikita mo sa harap ng salamin. Yung mga sinasabi ng iba? Tsss. Deadma na lang muna dahil darating ang panahon na wala na silang masasabi sa'yo. Wag ka nga lang aabot sa puntong sobra na. Ika nga eh, lahat ng sobra ay masama. Alam mo naman na siguro ang mga limitasyon mo. Gurang ka na. Marami ka nang alam. At sigurado namang alam mo na ang tama at mali.